Biyernes, Hunyo 27, 2014

Mga Salitang Naglalarawan


Kultura Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito.

-Bayanihan: Nabuo ang bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan.



 Paniniwala :

-Masasabi ngang kakaiba ang mga Pilipino sa kanilang mga paniniwala dahilan na rin ito ng mga epekto ng pananakop ng mga dayuhan katulad na lamang ng mga instik at hapon at pati na rin ng mga kastila ! 

- Katulad na lamang ng mga halimbawa : 

- Pag sinukat ang gown ng babaeng ikakasal ay hindi raw matutuloy ang kasal ! 

- Tuwing bagong taon ay kailangang maghanda ng iba't-ibang prutas na bilog upang swertihin sa susunod na taon ! 

-  Hindi pwedeng magwalis kapag may burol o namatay ! 

- Hindi pwedeng maligo ang isang dalaga kapag unang araw ng kaniyang buwanang dalaw !

- Ito ay ilan lamang sa mga tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino na hanggang ngayo'y buhay na buhay pa at nagagamit sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay ! 

 


Pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansa :

        Ang aking pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng aking bansa ay :
Unang-una sa lahat lagi kong aalalahanin kung ano ang naging rason at dahilan kung paano tayo malaya nagayon , pangalawa bilang isang mamayang Pilipino lagi kong tataglayin ang pagiging isang makabayan , at may pagpapahalaga sa aking kapwa at lagi kong isasaalang-alang ang aking bansa sa isip, salita at gawa . Im Proud to be A Filipino !

1 komento: